Sa aralin na ito, as the title suggests, ang inaasahang lifestyle na ipinamumuhay ng isang bago o matagal nang mananampalataya kay Cristo Jesus. Ibig sabihin, ang pananalangin, ang pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya ay bahagi ng kanyang araw-araw na pamumuhay. Siya ay nasa mundo, nakikisalamuha sa mundo ngunit hindi siya nakiki-ayon sa takbo ng mundo – in the world but not of the world. Nang sa ganoon, siya ay nagiging asin at ilaw sa loob ng tahanan, sa communidad, sa eskuwelahan o sa kanyang workplace.