Tinatalakay ng araling ito ang ating relasyon sa ating kapwa. Ipinapakita rito na kung ano ang kalidad ng ating relasyon sa Diyos, ay ganoon din ang kalidad ng ating relasyon sa ating kapwa. Tinalakay din dito ang greatest commandment na iibigin natin ang Diyos ng buong puso, buong kaluluwa, buong isip, at buong lakas, at ang pangalawang utos na ibigin ang ating kapwa tulad ng ating pagmamahal sa ating sarili.