Philippine Biblical Worldview Institute
B16 L24 Metro South Avenue, Metro South Village,
Manggahan, General Trias City, Cavite
certificate in Christian ministries (COURSE 4 of 12)
Christian Leadership
6 classes
Ang history ng bayan ng Diyos ay istorya ng kapahamakan at pagliligtas. Mapapahamak ang bayan, ililigtas sila ng Diyos. Mula pa ng pagkahulog ng tao, nagsimula na ang labanan para sa pagsasakop ng mundo. Sa pagtatangkang sugpuin nila ang isa’t isa, nagiging mas mabangis ang tao. Upang makalasap ng pagka-contento, kinakailangan na magkaroon sila ng 1) pakiramdam na sila ang may control ng kanilang kapaligiran, at 2) pagkabusog ng pita ng kanilang laman. Kaya naman ang resulta ay ang walang patid na pagnanasa at pagpupursigi na makamtan ang dalawang bagay na ito – mga bagay na walang hangganan.
Ang mga Katangian ng Mabuting Leader
Alam ninyo na ang kinikilalang namumuno sa kalagitnaan ng mga hintil ay kumikilos na parang panginoon, at ang matataas na opisyal sa kanila ay talaga namang ginagamit ang kanilang awtoridad upang maisagawa ang kanilang kagustuhan. Ang sistemang ito ay hindi para sa inyo. Kundi ang sinumang nagnanais na maging nakatataas sa inyo ay kinakailangang maging taga-pagsilbi sa iba, at ang nagnanais na maging una ay kinakailangang maging alipin ng lahat. Mark 10:42-44
Mga Abilidad ng Mabuting Leader
Mahal ng pastol ang kanyang mga tupa nang walang reserbasyon. Hindi niya ginagawa ang kanyang pagpapastol dahilan sa kung ano mang magaganansiya niya o para magkaroon siya ng kapangyarihan o kasikatan kundi dahil mahal niya ang mga tupang ipinagkatiwala sa kanya ng Panginoon.
Pagpapaunlad ng mga Katangian at Abilidad
Ang mga lider ay hindi likas na ipinanganganak. Sila ay tinuturuan, sinasanay at kinakasangkapanan. Ang katangian ng mabuting pamumuno ay hindi namamana kundi maaaring kaloob o di kaya naman ay napag-aralan
Ang Leader Organizer
Ang lahat ng mga Cristiano ay sakop ng Original Mandate (Maging mabunga kayo at magparami ng bilang; punuin ninyo ang mundo at supilin ito; pamahalaan ninyo ang lahat na nilikha Ko) at ng Great Commission (Kaya humayo kayo at gumawa ng mga disipulo sa lahat ng bansa, bautismuhan sila sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuan silang sumunod sa lahat ng mga pinag-utos Ko sa inyo). Ibig sabihin, may misyon tayo!
Ang Leader Director
Ang magbigay ng direksyon sa iglesya tungo sa katuparan ng Great Commission na maipahayag ang mabuting balita at gumawa ng mga alagad sa lahat ng bansa ay mahirap na gawain. Kabilang sa pagbibigay ng direksyon ay ang Pagpaplano, Pagpapatupad, Pagtitimbang, at masusing Pag-sasaayos.
Ang Leader Controller
Ang makadiyos na lider ay dapat mayroong pagtitimpi sa sarili, tamang motibo at mayroong pinapakitang mabuting halimbawa. Ang control ay binubuo ng tatlong bagay: Paghahanda, Pagpipigil, at Pananagutan.